Ipinakikita ng real-time data ng World Health Organization (WHO) na hanggang 18:00 Central European Time (CET), Marso 31, 2020, umabot na sa 754,948 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo. Kabilang dito, 36,571 ang pumanaw na. Sa kasalukuyan, nadiskubre ang kaso ng COVID-19 sa 202 bansa't rehiyon ng daigdig.
Ayon naman sa real-time data ng The Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 17:00 Marso 31, local time, 181,099 ang pangkalahatang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika. Tumaas sa 3,606 ang bilang ng mga namatay.
Ipinakikita naman ng pinakahuling estadistika ng Departamento ng Pangangalaga sa mga Suliraning Sibil ng Italya, hanggang alas-sais kahapon, local time, 105,792 ang bilang ng mga kumpirmadong kasa sa Italya, at 12,428 ang pumanaw na.
Salin: Vera