Ginanap nitong Martes, Marso 31, 2020 ang virtual meeting ng mga ministro ng pananalapi at gobernador ng bangko sentral ng Group of 20 (G20). Nagkaisa silang gumawa ng roadmap ng pagharap sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, upang ipatupad ang pangakong ginawa sa katatapos na G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit.
Humiling ang mga kalahok na opisyal sa mga kaukulang working group na ipatupad ang nasabing roadmap bago idaos ang susunod na virtual meeting ng mga ministro ng pananalapi at gobernador ng bangko sentral ng G20 sa Abril 15. Sinang-ayunan din nilang patuloy na tatalakayin at isasagawa ang kinakailangang pangkagipitang aksyon, para harapin ang hamong pandaigdig na dulot ng epidemiya.
Salin: Vera