|
||||||||
|
||
Pinanguluhan nitong Martes ng gabi, Abril 13, 2020 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas ang pulong ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Disease (IATF-EID).
Sa kanyang public address na napanood sa People's Television Network pagkatapos ng pulong, sinabi ni Duterte na sanhi ng COVID-19 pandemic, sa kasalukuyan, kailangang magbigay ang pamahalaang Pilipino ng subsidy sa 18 milyong pamilyang mababa ang kita, at lugmok sa kahirapan ang kabuhayan ng bansa.
"Ngayon, ganito ang problema namin, America is part of the problem of the Filipinos now, kasi sa karaming tinamaan sa kanila, marami ng patay," saad ni Duterte.
Aniya, dahil sa pagsiklab ng COVID-19 pandemic sa Amerika at kakulangan sa mga tauhang medikal, nag-alok ng trabaho ang pamahalaang Amerikano sa mga nars at agarang magbibigay ng visa ang pasuguan ng Amerika, sa mga kwalipikadong tauhang medikal.
Nanawagan si Pangulong Duterte sa mga doktor at nars ng bansa na huwag umalis ng inang bayan, dahil kinakaharap din ng Pilipinas ang matinding kalagayan ng epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |