Ayon sa ulat ng Cable News Network o CNN ng Estados Unidos, kasabay ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa Amerika, nagkaroon ng kakulangan sa ilang produktong kailangan sa paglaban sa epidemiya. Nagreklamo ang ilang mangangalakal na nagiging mas mahirap ang pag-aangkat, sanhi ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa Tsina. Nitong nakalipas na 3 linggo, nakatanggap na ang Tanggapan ng Kinatawan ng Kalakalan ng Amerika ng mahigit 100 aplikasyong humihiling sa pagbabawas ng taripa sa pag-aangkat ng mga produkto mula sa Tsina.
Ayon naman sa ulat ng Consumer News and Business Channel o CNBC ng Amerika, sapul noong 2018, pinatawan ng Amerika ng karagdagang taripa ang mga pundamental na kagamitang medikal na gawa ng Tsina. Kabilang dito ay mga pamproteksyong kasuotang medikal, mga pamproteksyong kagamitan para sa mga indibiduwal, Computed Tomography equipment, at disposable medical materials.
Salin: Vera