|
||||||||
|
||
Sa video call, Miyerkules, ika-14 ng Abril, 2020 sa pagitan ng Chinese Anti-epidemic Medical Expert Team at Direktor ng Regional Office for the Western Pacific ng World Health Organization (WHO), inilahad ng grupong Tsino ang kanilang palagay hinggil sa kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng COVID-19 sa Pilipinas, at kanilang karanasan sa pagbisita sa mga ospital at pangkuwarentinang lugar ng Pilipinas.
Ipinahayag nila na maayos at mabisa ang mga hakbangin ng pamahalaang Pilipino sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito, at masipag ang mga doktor at nars ng Pilipinas.
Dagdag pa nito, kinakaharap ng Pilipinas ang mga hamon na gaya ng kakulangan sa mga medical supplies.
Pero, umaasa ang grupong Tsino na ipagkakaloob ng WHO ang mga tulong sa Pilipinas.
Pinasalamatan naman ng Regional Office for the Western Pacific ng WHO ang pagbisita ng Chinese team sa Pilipinas para ibahagi ang mahalagang karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Ipinahayag nito na ayon sa karanasan ng Tsina at plano ng WHO, nasa tamang landas ang Pilipinas sa pagpuksa sa epidemiya.
Ulat: Ernest/Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |