|
||||||||
|
||
Hinihimok ng Tsina ang mga opisyal ng Amerika na asikasuhin ang sariling gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at huwag isisi sa ibang bansa ang sariling pananagutan.
Ito ang mariing ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Abril 15, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang panayam sa media kamakailan, muling binatikos ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ang Tsina sa di-umano ay huling pagpapa-alam sa kalagayan ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Dagda pa ni Pompero, dapat panagutin ang Tsina sa angkop na panahon.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao Lijian na, walang humpay na pinalalaganap ng mga opisyal na Amerikano ang ganitong kasinungalingan.
Detalyado aniyang inilahad ng panig Tsino ang mga katotohanan tungkol sa COVID-19, na komprehensibong nagpapabagsak sa mga kasinungalingan ng panig Amerikano.
Dagdag ni Zhao, ang pagbaling ng pananagutan sa ibang panig ay hindi makakatulong sa pagpapahupa ng epidemiya sa loob ng Amerika, sa halip, malubha pa itong hahadlang sa kooperasyon ng Tsina at Amerika laban sa epidemiya, at makakapinsala sa relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |