Kaugnay ng pagbatikos kamakailan ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika sa panig Tsino tungkol sa insidente ng banggaan ng bapor na pangisda ng Biyetnam at bapor ng China Coast Guard (CCG) sa karagatan ng Xisha Islands, ipinahayag sa Beijing nitong Lunes, Abril 20, 2020 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na hinggil sa insidente ng ilegal na pagpasok at pangingisda kamakailan ng isang bapor ng Biyetnam sa karagatan ng Xisha Islands ng Tsina at pagbangga nito sa barko ng CCG, inilabas na ng mga tagapagsalita ng Ministring Panlabas at Kawanihan ng CCG ang opisyal na pahayag kaugnay ng pangyayari.
Sinabi ni Wu na malinaw ang detalye ng nasabing insidente at kaukulang responsibilidad. Sa loob ng sariling soberanya, isinagawa ani Wu, ng panig Tsino ang pagpapatupad ng batas alinsunod sa batas at regulasyon. Ngunit, binabalewala at binabaluktot aniya ng panig Amerikano ang katotohanan, at nagsagawa ng walang batayang pagpuna sa panig Tsino para bigyang katwiran ang sariling eksistensyang militar. Buong tatag itong tinututulan ng hukbong Tsino, dagdag pa niya.
Salin: Lito