|
||||||||
|
||
Paulit-ulit na binatikos kamakailan ng lider ng Amerika ang Tsina sa umano'y masyadong mababang pagtasa sa bilang ng mga pumanaw sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Nauna rito, sinabi niya sa social media na mas mataas kaysa Amerika ang bilang ng mga namatay sa Tsina.
Nakakapanlumo ang mga buhay na nawala sa kasalukuyang COVID-19 pandemic. Kung magpipikit-mata ang mga pulitiko sa paggalang at pangangalaga sa buhay, at gagawing mga datos at gagamiton sa pulitika ang buhay, tataliwas sila sa moral baseline ng sangkatauhan.
Batay sa paggalang sa mga buhay, noong Abril 17, binago ng Wuhan, Tsina ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso at mga pumanaw sa pandemiya ng COVID-19.
Ang pagrebisa sa datos ng epidemiya ng nakahahawang sakit ay unibersal na aksyon sa daigdig. Sinabi ni Maria van Kerkhove, Technical Lead ng Health Emergencies Programme ng World Health Organization (WHO), na sa simula ng pagsiklab ng epidemiya, totoong mahirap bilangin ang saktong bilang. Aniya, may katulad na situwasyon sa maraming bansa, at kailangang iwasto ang mga datos.
Sinabi naman ni Patty Hajdu, Ministro ng Kalusugan ng Kanada, na walang ebidensiya ang nagpapakitang may pekeng datos ang Tsina, kung infection rate at death rate ang pag-uusapan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |