Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa Lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng bansa, bumisita nitong Martes si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa isang primary school sa Laoxian Township, Pingli County ng Lunsod ng Ankang, para malaman ang kalagayan ng pag-aaral at pamumuhay ng mga bata.
Saad ni Xi, ikinababahala niya ang pagdami ng mga nakasalamin na mga bata. Diin niya, dapat isulong ang diwa ng kalinangan sa mga bata, at palakasin ang kanilang kalusugan.
Salin: Vera