Upang harapin ang isyu ng seguridad ng pagkaing-butil sa agrikultura sa kalagayan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, sa ilalim ng mungkahi ng Saudi Arabia, ginanap nitong Martes, Abril 21, 2020 ang extraordinary virtual meeting ng mga ministro ng agrikultura ng Group of 20 (G20). Kalahok dito ang mga ministro ng agrikultura ng mga kasaping bansa ng G20 at mga inanyayahang bansa, at mga namamahalang tauhan ng mga pandaigdigang organisasyong may kinalaman sa agrikultura na gaya ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO).
Sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, nangako ang iba't ibang kalahok na panig na isagawa ang mahigpit na kooperasyon, upang maigarantiya ang seguridad ng pagkaing-butil ng buong mundo.
Sa online news briefing sa Geneva nang araw ring iyon, ipinahayag ng International Labor Office (ILO) na isinagawa na ng iba't ibang bansa ang hakbangin bilang suporta sa mga nukleong departamento, at pinapahupa ang epektong dulot ng pandemiya, sa pamamagitan ng iba't ibang pormang gaya ng plano sa pagbibigay ng suportang ekonomiko, pagbabayad ng segurong panlipunan, subsidy sa sahod at iba pa.
Salin: Vera