|
||||||||
|
||
Abril 24, 2020, naging zero ang bilang ng mga malubhang kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina; samantalang, noong Abril 26, wala nang natitirang kaso ng COVID-19 sa mga ospital sa nasabing lunsod. Makaraan ang napakalaking pagpupunyagi, natamo ng mga mamamayang Tsino ang malaking tagumpay sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Bakit nagtagumpay ang Tsina sa loob lamang ng maikling panahon? Simple lang ang sagot: ang lahat ay isinakatuparan "para, at nakadepende sa mga mamamayan."
Mula nang sumiklab ang epidemiyang ito, palagiang tinutukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay "digmaan ng mga mamamayan kontra virus." Sinabi niya na "ang mga mamamayan ang tunay na bayani."
Kung ating babalik-tanawin ang digmaang ito, makikita ang dalawang "lugar ng labanan:" una, ang pakikibaka ng Tsina laban sa epidemiya sa mga ospital at kapitbayahan; at ikalawa, ang pagkakaisa, pagpupunyagi, sakripisyo, at patnubay ng pamahalaan.
Sa ilalim ng patnubay ni Xi, at mabilis at matatag na desisyon ng Komite Sentral ng CPC, mabilis na kumilos ang buong bansa at agarang nagamot ang mga maysakit. Isinagawa ng buong Tsina ang mga sistematiko at kumpletong hakbangin na naging pinakamagiting, pinakamabilis, at pinakapositibo sa kasaysayan.
Ang mga karaniwang tao sa iba't-ibang sirkulo ng lipunang Tsino na tulad ng mga trabahador sa mga kapitbahayan, boluntaryo, at manggagawa sa mga pabrika, ay nanatiling tapat at nagpunyagi sa kani-kanilang posisyon, bagay na nagbuo ng napakalakas na puwersa sa pagtatagumpay kontra virus. Sila ang talagang pangunahing bahagi ng tagumpay sa epidemiya.
Sa kasalukuyan, unti-unti at matatag na umaahon ang Tsina mula sa kahirapang dulot ng epidemiya, at pinabibilis ang pagpapanumbalik ng kabuhayan at lipunan. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina sa pagsasakatuparan sa hangarin ng komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawang lipunan sa kasalukuyang taon.
Ang prinsipyong "ang lahat ay para at nakadepende sa mga mamamayan" ay susi at sandigan ng Tsina sa pagtatagumpay laban sa lahat ng kahirapan. Ito rin ay di-nauubos na lakas ng Tsina sa pag-abot sa nakatakdang layon.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |