Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Peter Navarro, sinisi ang Tsina sa di-mabisang pagharap sa pandemiya

(GMT+08:00) 2020-04-27 18:52:09       CRI

Isang serye ng kasinungalingan ang niluto kamakailan ni Peter Navarro, Direktor ng Office of Trade and Manufacturing Policy ng White House, hinggil sa di-umano ay di-mabisang paghawak ng Tsina sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi niyang "nanggaling sa laboratoryo ang virus," "inilihim ng Tsina ang virus sa pamamagitan ng pakikipagmabutihan sa Word Health Organization (WHO)," at "pinakalat ng mga Tsino ang coronavirus." Sinabi pa niyang "malaki ang pakinabang ng Tsina sa pagtatago ng mga pamproteksyong kagamitan."

Binaligtad ng nasabing mga kasinungalingan ang tama at mali.

Sa pamamagitan ng pagluluto ng mga kasinungalingan, ibinabaling niya ang sisi sa Tsina upang pagtakpan ang bigong pagharap ng pamahalaang pederal ng Amerika sa pandemiya.

Ang pinanggalingan ng virus ay isang siyentipikong isyu, at kailangang pakinggan ang mga siyentipiko't propesyonal na kuru-kuro.

Ang Tsina ay unang bansang nagpaalam ng kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa WHO, pero hindi ito nangangahulugang ang Wuhan ay pinanggalingan ng novel coronavirus.

Ang isa pang katotohanan ay mula noong Enero 3, regular, napapanahon at kusang loob na ipinapaalam ng Tsina sa WHO, Amerika at mga kaukulang bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig ang impormasyon hinggil sa epidemiya.

Pero nagpikit-mata ang Washington sa babala, at dahil dito, nasayang ang mahalagang oras na dapat sana ay ginamit upang kontrolin ang pagkalat ng virus sa Amerika.

Layon ng kasinungalingang "pinakalat ng mga Tsino ang virus" na lumikha ng muhi at poot, sa pamamagitan ng rasistikong paraan.

Walang kinikilalang hanggahan ang virus, at hindi nito iniintindi ang anumang lahi.

Ang mga mamamayang Tsino ay biktima rin ng virus, at walang kabuluhan ang pagbatikos ni Navarro hinggil sa malaking pakinabang di-umano ng Tsina sa pagtatago ng mga pamproteksyong kagamitan.

Sa katunayan, sa pamamagitan ng kooperasyong komersyal, makataong saklolo at iba pang paraan, pinapatingkad ng iba't ibang sirkulo ng Tsina ang lakas-panulak para sa pagpigil at pagkotrol sa pandemiya sa buong mundo.

Pero, sa kabila nito, sa harap ng walang humpay na pagtaas ng panganib, walang substansyal na tulong na ipinagkakaloob ang Amerika sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya; higit sa lahat, hinarang pa nito sa ika-3 bansa ang mga maskarang ipinadala para sa Alemanya, at tinangkang pigilan ang pagluluwas ng Minnesota Mining and Manufacturing Company (3M) ng mga maskara sa Kanada at mga bansang Latino-Amerikano.

Bilang direktor ng Office of Trade and Manufacturing Policy ng White House, nasa balikat ni Navarro ang espesyal na responsibilidad upang siguruhing matatag ang suplay ng mga materyal para sa paglaban sa epidemiya.

Pero, sa kanyang mga aksyon, makikitang wala siyang kakayahan sa pagkokoordina ng mga materyal na pangkalusugan, at walang kaalaman sa bisa ng mga gamot laban sa epidemiya.

Paulit-ulit niyang sinisi ang ibang panig sa kanyang kabiguan, at isinagawa ang mga walang-hiyang rasistikong aksyon.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 900,000 ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng Amerika.

Sa halip na pagluluto ng mga kasinungalingan, dapat ilunsad ng Amerika ang mga aktuwal na hakbangin sa paglaban sa pandemiya, upang iligtas ang buhay ng mas maraming mamamayang Amerikano.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>