|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, Abril 24, 2020 ng Politico, kilalang American political journalism company na nakabase sa Arlington County, Virginia, Amerika, isang campaign memo ang ipinadala ng National Republican Senatorial Committee (NRSC) sa mga kandidato ng partido na nag-uutos sa mga ito na agresibong ibaling sa Tsina ang sisi kaugnay ng pandemiya ng CORONA VIRUS DISEASE 2019 (COVID-19).
Ito ay upang mawala ang galit ng mga mamamayang Amerikano sa kanila.
Sa detalyadong 57-pahinang memo, nakalagay kung paano dapat magpalusot at hawiin ng mga kandidato ang galit ng publiko sa mga isyung gaya ng racism, sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga balita hinggil sa di-umano ay pagtatago ng pamahalaang Tsino sa tunay na estadistika ng mga nahawa at namatay, at pag-uugnay sa mga kandidato ng Partido Demokratiko sa pamahalaang Tsino, upang maakusahan silang may malambot na paninindigan sa Tsina.
Ayon pa rito, isusulong ng partido ang paghingi ng sangsyon laban sa Tsina dahil sa di-umano ay papel nito sa pandemiya.
Ipinagdiinan pa ng memo, na kailangang ibaling ng mga kandidato ng Partido Republikano ang sisi sa Tsina, tuwing sasagutin nila ang mga tanong kaugnay ng pagiging inutil ni Pangulong Donald Trump sa pagkontrol sa virus.
"Don't defend Trump, other than the China Travel Ban – attack China," saad ng memo.
Para sa mga Republikano, napakainam na estratehiya ang pag-atake sa Tsina upang maisalba ang popularidad ng partido at matalo ang kanilang mga kalaban sa pulitika.
Si Senador Tom Cotton ay isa representanteng nananawagan sa mga kandidato sa pagka-senador, na gawing sentro ng kanilang platapoma de kampanya ang pag-atake sa Tsina.
Sinabi rin niyang kailangang magtulungan ang Kongreso at pangulo para sa layuning ito.
Samantala, umapela naman si Josh Hawley, isang first-term Missouri senator, na payagang ihabla ng mga Amerikanong nahawan ng COVID-19 ang Tsina.
Hinggil dito, sinabi ni Tom Fowdy, political at international relations analyst mula sa Durham and Oxford Universities, ito ay walang saysay, dahil hindi maaaring ihabla sa isang kasong sibil ang isang soberanong bansa.
Una, ang internasyonal na batas ay hindi sibil na batas; ibig sabihin, ito ay idinisenyo para sa pamamahala ng relasyon sa pagitan ng mga bansa.
"It is legally unfeasible and impossible for a private legal system to operate on a global level where individual parties make claims against governments," saad ni Fowdy.
Ikalawa, nariyan ang doktrina ng "Sovereign Immunity," ibig sabihin, hindi maaaring ihabla sa isang kasong sibil at kriminal ang isang soberanong bansa sa mga hukuman ng Amerika.
Ang legal na konseptong ito, ani Fowdy ay naka-ugat sa Westphalian state system, at isang norma sa usapin ng "national sovereignty."
Ang kalayaan ng isang bansa ay hindi maaaring panghimasukan ng korte ng ibang bansa.
MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW: HINDI MAAARING IHABLA ANG TSINA!
Ang nasabing memo, ayon sa ulat ng Politico ay isinulat ni Brett O' Donnell, beteranong estratehista ng Partido Republikano.
Siya rin ang nagpapayo kay Secretary of State Mike Pompeo at Cotton.
Pero, nang subukan siyang kapanayamin ng Politico, hindi siya nagkomento.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng tagapagsalita ng NRSC na si Jesse Hunt, ang memo ay "routine" at lingguhang nagpapadala ng mga dokumento ang komite, lalung-lalo na sa mga panahon ngayon.
Ayon pa sa Politco, hinihimok ng memo ang mga kandidatong magpahayag na: "No one is blaming Chinese Americans. This is the fault of the Chinese Communist Party for covering up the virus and lying about its danger. This caused the pandemic and they should be held accountable."
Ito ay maliwanag na organisadong pamumulitika para sa sariling kapakanan.
Ginagamit ng ilang pulitiko ng Partido Republikano ang pandemiya ng COVID-19 para
una: maghugas-kamay at magpapogi sa publiko sa pamamagitan pagpapalaganap ng kasinungalingan at pagbabaling ng sisi sa Tsina
ikalawa: talunin ang mga kalabang kandidato mula sa Partido Demokratiko
Sa kabilang banda, ayon sa ulat ng Washington Post, sa simula pa lamang ay alam na alam ng administrasyon ni Trump ang totoong impormasyon hinggil sa COVID-19 pandemic.
Mula Enero 3, 2020, regular na ipinagbibigay-alam ng Tsina sa WHO, at ipinapaabot sa Amerika ang mga impormasyon tungkol sa pandemiya.
Ang mga impormasyong ito ay inilalagay rin ng WHO sa social media mula Enero 4, 2020.
Sa loob ng sumunod na dalawang buwan, ipinagbale-wala ng US federal government ang panganib ng pandemiya — at, inenkorahe pa nito ang mga mamamayang Amerikano na "liberate" ang sarili mula sa lockdown, at balewalain ang kuwarentina, isolation at social distancing.
Sa kabilang dako, ipinahayag, Martes, Abril 21, 2020 ni ipinahayag ni Fadela Chaib, Tagapagsalita ng WHO, na "itinuturo ng lahat ng ebidensya na ang Severe Acute Respiratory Syndrome Corona Virus 2 (SARS-Cov-2) o novel coronavirus ay nagmula sa mga hayop at hindi minanipula o ginawa ng tao."
Aniya, ang WHO ay isang organisasyong nakabase sa siyensiya, at sa tingin nito, may mahigpit na koneksyon sa mga paniki sa virus, pero, kung paano ito lumipat mula sa mga paniki papunta sa mga tao ay isa pa ring misteryong nangangailangan ng pananaliksik.
"Siguradong may intermediary host - isa pang hayop, na naglipat mula sa mga paniki papunta sa mga tao," aniya pa.
Lahat ng mga ipinapahayag ni Trump tungkol sa isyung ito ay pawang kasinungalingan at pamumulitika lamang.
Hinggil dito, sa survey na ginawa ng Pew Research Center, 65 porsiyento ng mga Amerikano ay naniniwalang huli ang aksyon ng administrasyon ni Trump upang makontrol ang virus, 39 porsiyento ang naniniwalang ipinapahayag ng administrasyon ni Trump ang totoong situwasyon, at 73 porsiyento ng mga nasa hustong gulang ang naniniwalang hindi pa dumarating ang pinakamasamang situwasyon.
Hanggang Abril 25, 2020, ang Amerika ay may mahigit 936,000 na kumpirmadong kaso at mahigit 53,000 nasawi dahi sa COVID-19.
Mapapakinggan din po ninyo ang komentaryo sa FB link sa ibaba:
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/252731192774074/
SOURCE:https://news.cgtn.com/news/2020-04-25/-Attack-China-GOP-sends-advices-to-candidates-over-coronavirus-PYy3DB3N1C/index.html
https://filipino.cri.cn/301/2020/04/22/102s167363.htm
https://news.cgtn.com/news/2020-04-22/Asking-China-to-pay-for-COVID-19-is-like-a-spoiled-kid-crying-foul-PSnmoQrQEo/index.html
https://news.cgtn.com/news/2020-04-22/Legal-action-against-China-is-political-grandstanding--PThxiCDRw4/index.html
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |