|
||||||||
|
||
"Kung kayo ay sasagot ng tanong hinggil sa virus, ibaling sa Tsina ang sisi."
Ito ang mababasa sa campaign memo ng National Republican Senatorial Committee (NRSC), na isinapubliko kamakailan ng Politico, isang political news website ng Amerika.
Ang nasabing 57-pahinang memo ay parang isang komedya ng Amerika, kung saan itinuturo sa mga kandidato ng Republican Party kung paano espisipikong sagutin ang mga tanong, at isisisi sa Tsina ang lahat ng mga pananagutan.
Sa pagsagot sa mga tanong hinggil sa pananagutan ni Donald Trump sa pagkalat ng COVID-19 sa Amerika, iminungkahi ng memo na huwag nang ipagtanggol si Trump, at dapat direktang sisihin ang Tsina.
Ito ay dahil hindi maipapaliwanag ng lider ng Amerika kung bakit sinayang niya ang 70 araw bago niya sinimulang harapin ang banta ng virus.
Madaling nakikita sa nasabing memo ang tatlong tangka ng Republican Party: una, ilipat ang poot ng lipunang Amerikano sa di-mabisang hakbangin ng kanilang pamahalaan sa pagpuksa sa pandemiya; ika-2, itayo ang matigas na pakikitungo laban sa Tsina, upang makakuha ng momentum sa pambansang halalan; at ika-3, patuloy na sikilin ang Tsina, at hadlangan ang pag-unlad nito.
Pero magiging katatawanan lang ng komunidad ng daigdig ang palabas ng mga republikano, dahil ang kanilang script ay bulag sa katotohanan, at puno ng maruming pulitika.
Sa pamamagitan ng timeline hinggil sa epidemiya ng COVID-19 na inilabas ng Tsina, at pagsasarbey ng mga dalubhasang Tsino't dayuhan sa lokalidad, nagkaroon ng makatarungang pagtasa ang gawain ng Tsina sa paglaban sa epidemiya.
Kahit anong paninirang-puri ang ilabas ng ilang pulitikong Amerikano laban sa Tsina, ang pananagutan nito sa di-mabisang pagharap sa pandemiya ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw.
Sa kasalukuyan, kalunus-lunos ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa Amerika.
Kung hindi ihihinto ng Partido Republikano ang nasabing komedya, ang buhay ng maraming mamamayang Amerikano ang magiging sakripisyo sa pulitikal na laro ng partido ni Trump.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |