Cairo, Ehipto—Sa news briefing nitong Martes, Abril 28, 2020, isinalaysay ng Tanggapan ng World Health Organization (WHO) sa Eastern Mediterranean Region ang kalagayan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa rehiyong ito.
Ayon kay Ahmed Al-Mandhari, Direktor ng nasabing tanggapan, kasabay ng pagsiklab ng epidemiya sa Syria, Libya, Yemen at iba pang bansa, mahaharap ang rehiyong ito sa mas maraming hamon sa aspekto ng paglaban sa pandemiya.
Saad ni Mandhari, sa kasalukuyan, mahigit 80 uri ng bagong bakuna kontra novel coronavirus ang idinedebelop ng iba't ibang bansa sa daigdig, at umuusad ang clinical tests sa 6 na uri ng bakuna.
Diin niya, nagpupunyagi ang WHO para mapasulong ang katarungang medikal at pangkalusugan ng iba't ibang bansa, at maisakatuparan ang pagbabahagi ng bakuna ng COVID-19 at mga bagong gamot. Nanawagan siyang dapat isagawa ang lahat ng mga hakbangin upang pigilan ang posibilidad ng pagkahawa sa ganitong virus.
Salin: Vera