Binatikos ng website na Politico si US Secretary of State Mike Pompeo at sinabing "Hindi lang siya nabigo sa pamumuno, kundi ginamit pa niya ang pandemic upang banatan ang mga kalaban ng Amerika, lalo na ang Tsina at Iran, binalewala ang pandaigdigang pagtutulungan kontra sa pandemiya na pinakakinakailangan ngayon."
Tulad ng ipinahayag ng nasabing website, sa tingin ni Pompeo, ang pandemiya ay hindi kalunus-lunos na pangyayari, at walang anumang pagkabahala siya sa buhay ng mga mamamayang Amerikano. Ang pinakamahalaga sa kanya ay paghahanap ng personal na kapakanang pulitikal at pagsasagawa ng geopolitics lamang.
Bilang punong diplomata ng Amerika, sa harap ng krisis, walang anumang katapatang propesyonal at pananagutan si Pompeo, sa halip, walang humpay siyang nagpapakalat ng "political virus," at humahadlang sa pandaigdigang kooperasyon sa kalusugang pampubliko.
Dapat malaman ni Pompeo na ang kaaway ng Amerika ay ang virus, hindi Tsina. Ang anumang aksyong nakakasira sa pagkakaisa at pagtitiwalaan ay magpapasidhi lamang ng krisis, magpapahina ng kooperasyong pandaigdig, at makakapinsala sa sariling kapakanan ng Amerika sa bandang huli.
Salin: Vera