|
||||||||
|
||
Sa kasaysayan ng Amerika, walang Kalihim ng Estado ang nakitang katulad ni Mike Pompeo. Dinala niya ang kanyang panlilinlang sa mga pagkakataong diplomatiko ng Amerika na tulad ng "pagsisinungaling, pandaraya, at pagnanakaw" na ginamit niya habang naglilingkod sa Central Intelligence Agency (CIA), bagay na nagpababa nang malaki sa imahe ng Amerika sa daigdig. Lalong lalo na, sapul nang sumiklab ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang mga nagawa ni Pompeo ay nalampasan na ang bottom line bilang isang tao.
Una, itinulak ni Pompeo ang "pagtigil ng pagkakaloob ng pondo" sa World Health Organization (WHO), bagay na nagdulot ng napakalaking negatibong epekto sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng mga pinaka-di-maunlad na bansa at mahirap na populasyon sa buong daigdig.
Ikalawa, upang takpan ang mga kamalian ng pamahalaang Amerikano sa pagharap sa epidemiya, walang tigil na ibinabaling ni Pompeo ang sisi sa Tsina. Lantaran at sinadya niyang pinukaw ang galit, at paulit-ulit na sinisira ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Ikatlo, nagdudulot na ang epidemiya ng napakalaking pinsala sa buong sangkatauhan. Sa ilalim ng pagpapasulong ni Pompeo, patuloy na ipinapataw ng pamahalaang Amerikano ang "sukdulang presyur" laban sa mga bansang gaya ng Iran at Cuba, bagay na nagbunsod ng mas malaking makataong kalamidad.
Ikaapat, sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa Amerika, binabalewala ni Pompeo ang kalusugan at buhay ng mga mamamayang Amerikano, at lagi niyang pinaghahanapan ang pribadong kapakanang pulitikal.
Sapul nang magtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pandemic ng COVID-19 ay pinakamalubhang krisis na kinakaharap ng buong daigdig, at nalagay sa peligro ang buhay ng napakaraming mamamayan Ngunit hindi kaya nitong mapakilos ang anumang simpatya at damdamin ng responsibilidad, mapagtatalunan niyang gamitin ang mga ito bilang oportunidad sa pagkuha ng sariling kapakanang pulitikal.
Ang lahat ng ginagawa ni Pompeo ay nag-aalis ng tiwala ng mga mamamayang Amerikano, nakakasira sa imaheng diplomatiko ng Amerika, nakakapinsala sa pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa epidemiya, at nagiging napakalaking kasiraan sa Amerika. Di puwedeng iwasan ni Pompeo ang mga nagawa niyang krimen, at dapat siyang litisin ng mga mamamayang Amerikano at komunidad ng daigdig.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |