|
||||||||
|
||
Pinuna nitong Martes, Abril 28, 2020, ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang pananalitang dapat panagutan at pagbayaran umano ng Tsina ang mga perhuwisyong dulot ng pandemiya.
Tinukoy niyang ang pandemiya ay likas na kapahamakan, at hindi ito idinulot ng Tsina.
Aniya, ang Tsina ay biktima rin ng virus, at gumagawa ito ng malaking ambag para sa pandaigdigang kooperasyong kontra pandemiya.
Saad ni Le, ang pagsisiyasat sa pananagutan ng Tsina at paghiling na pagbayaran ng Tsina ang perhuwisyong dulot ng pandemiya ay nakakatawang pulitikal na komedya ng ilang pulitikong Amerikano, at walang batayang pambatas.
Aniya, walang batas sa daigdig na sumusuporta sa pagsisiyasat ng pananagutan ng bansang unang nag-ulat ng kalagayan ng epidemiya, at wala ring ganitong halimbawa sa kasaysayan.
Diin ni Le, napakalaking sakripisyo ang ginawa ng Tsina para pigilan ang pagkalat ng virus, bagay na nagbigay ng mahalagang oras para sa pandaigdigang paglaban sa pandemiya.
Dapat aniyang makatarungang pakitunguhan ng Amerika ang Tsina, sa halip na panagutin ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |