Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: namumukod na tradisyonal na kultura ng Nasyong Tsino, nakikita sa pagsubok ng pandemiya

(GMT+08:00) 2020-04-30 16:35:08       CRI

"As you drive into the city in the dead of night with the lights on, it's a ghost town. But behind every window and every skyscraper, there are people cooperating with this response."

Ito ang winika ni Bruce Aylward, Asitanteng Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), pagkatapos ng kanyang pagsasarbey sa Tsina noong katapusan ng Pebrero 2020.

Sa tingin ng nasabing kapita-pitagang dalubhasa sa kalusugang pampubliko sa daigdig, ang susi sa maikling panahong pagtatagumpay ng Tsina kontra sa epidemiya ay patnubay ni Xi Jinping, Kataas-taasang Lider ng Tsina.

Ang nukleong ideya ni Xi ay gawing pinakamahalaga ang mga mamamayan at ang ganitong ideya ay nag-uugat sa tradisyonal na kultura ng Nasyong Tsino.

Sa harap ng biglaang pagkalat ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), paulit-ulit na ipinagdiinan ni Xi na dapat gawing priyoridad ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Ang lahat ng mga nahawahan ng virus, mga bata man o matatanda, mahihirap man o mayayaman, ay tinanggap sa ospital, at inalagaan ng pamahalaan.

Binayaran at binigyan din ng subsidiya ang panggagamot sa mga nasa kritikal na kondisyon.

Dahil dito, 70% ng mahigit 2,500 kumpirmadong kaso ng COVID-19 na edad lampas 80 taong gulang ang gumaling.

Ang pinakamatanda sa kanila ay 108 taong gulang.

Sa harap ng krisis, ipinauna ng mga mamamayang Tsino ang kapakanang pampubliko.

Upang mabisang pigilan ang pagkalat ng virus, kusang-loob na nanatili sa kani-kanilang bahay ang mga residente sa Wuhan.

Ang nasabing pinakamalawakang kuwarentenas sa kasaysayan ng sangkatauhan ay nagbigay ng mahalagang oras para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa loob ng Tsina, maging sa buong mundo.

Mahigit 42,000 doktor at nars mula sa iba't ibang sulok ng Tsina ang nagsadya sa Lalawigang Hubei at Wuhan, para tumulong sa paggamot ng mga may sakit sa lokalidad.

Bukod dito, ipinadala ng iba't ibang lugar ang mga kagamitang medikal at mga gamit para sa pamumuhay sa Wuhan.

Nag-abuloy rin ng pondo at materyal ang mga overseas Chinese.

Samantala, batay sa ideya ng "komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan" na iniharap ni Pangulong Xi Jinping, ipinagkakaloob ng Tsina, sa abot ng makakaya ang suporta't tulong sa maraming bansa sa daigdig, upang tulungan silang magtagumpay komtra pandemiya.

Umahon ang isang nasyon sa kahirapan: ito ay muling nagpapakita na ang Nasyong Tsino ay may malakas na puwersa sa proseso ng pagpuksa sa mga hadlang at hamon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>