|
||||||||
|
||
Lampas na sa 1.25 milyon ang naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at 75,000 ang mga pumanaw. Hindi kapani-paniwala ang paglitaw ng nasabing dalawang datos sa isang Super Country na tulad ng Amerika. Ang napakalaking kabiguan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay may di-maihihiwalay na kaugnayan sa paulit-ulit na pagkakamali at pagpapabaya sa tungkulin ng pamahalaang Amerikano.
Unang una, sa mula't mula pa'y di-seryoso ang pakikitungo ng liderato ng Amerika sa gawain ng pagpigil sa pandemiya, sa halip, palagiang pinahahalagahan nila ang kani-kanilang kapakanang indibiduwal.
Ika-2, bunsod ng epekto ng damdaming kontra-katalinuhan, kontra-siyensiya at populismo na inudyukan ng pamahalaan, hinadlangan at ikinubli ng mga ingay na pulitikal ang makatarungang pananaw ng sirkulong pansiyensiya at mga personaheng propesyonal.
Ika-3, ang kaguluhan at kawalang kaayusan ng buong sistemang kontra-epidemiya ng Amerika ay madalas na nabunyag, sa proseso ng pagsusuri at pagsusubaybay sa mga kaso sa maagang panahon man, o sa pangingilak at pamamahagi ng mga pondo't materyal na kontra-epidemiya.
Bilang isang bansa na may pinakamodernong kondisyong medikal sa buong mundo, dapat pag-isipan ba ng mga mataas na opisyal ng Washington ang tunay na sanhi ng pagkabigo sa pagharap sa pandemiya? Hinding hindi maililigtas ng pagpasa ng pananagutan at pagbatikos sa ibang panig ang mahalagang buhay ng mga mamamayang Amerikano. Ang pagpopokus sa gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay siyang tanging lunas para iligtas ang Amerika at kani-kanilang sarili.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |