|
||||||||
|
||
"Noong Enero 11, nang di pa alam ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa corona virus, sinimulan na namin ang pagdedebelop ng bakuna."
Ito ang winika ng lider Amerikano sa kanyang talumpati sa White House, at nasindak ang opinyong-publiko ng buong mundo sa pahayag na ito.
Nauna rito, ipinahayag din ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na nalaman niya ang tungkol sa novel coronavirus noong katapusan ng Enero, at isinagawa ang aksyong pamproteksyon sa mga mamamayan mula noong Marso 13.
Sa kanyang pagpapatunay kamakailan sa Kongreso, sinabi ni Robert Redfield, Direktor ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, na noong Enero 2, nakipag-ugnayan at nakipagtalakayan ang kanyang sentro sa Chinese Center for Disease Control and Prevention.
Noong Enero 12, Beijing time, ibinahagi ng Tsina sa World Health Organization (WHO) ang genome sequence information ng novel coronavirus.
Ipinapakita nitong nalaman agad ng panig Amerikano ang mga kaukulang impormasyong ibinahagi ng panig Tsino.
Pero bakit nila inilihim ang tunay na kalagayan ng epidemiya sa publiko, at pinaratangan ang Tsina na nagbibigay ng di-malinawag na mga impormasyon?
Dahil sa serye ng mga katotohanan ito, kaduda-duda ang mga pangyayari nang magsimula ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Ayon sa ulat ng Cable News Network (CNN) ng Amerika, pinalakas kamakailan ng White House ang pagkontrol sa pagkalat ng mga impormasyon.
Inilabas din kamakailan ng The Lancet, awtorisadong magasing medikal sa daigdig, ang editoryal na pinamagatang "Reviving the US CDC."
Ayon dito, ang paglilihim ng mga impormasyon, pagsugpo sa siyensiya, pangangalaga sa pansariling kapakanan, pag-iwas sa mga duda, at pagbabaling ng sisi sa ibang panig ang mga paraan ng mga pulitikong Amerikano sa pagharap sa pandemiya ng COVID-19, at ugat ng trahedya ng epidemiya sa Amerika.
Sa harap ng mahigit 88,000 milyong pumanaw sa COVID-19 sa Amerika, anu-ano pa kaya ang inililihim ng Amerika, sa pamamagitan ng walang humpay na pagluluto ng mga kasinungalingan?
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |