Sinabi nitong Lunes, Mayo 18, local time, 2020 ni Bill de Blasio, Alkalde ng New York city, na sa kasalukuyan, 145 bata sa New York city ang kumpirmadong nahawahan ng Multisystem Inflammatory Syndrome in Children (MIS-C). Kabilang dito, positibo ang resulta ng pagsusuri sa coronavirus o anti-bodies ng 67 bata.
Pormal na ipinatalastas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika na may kaugnayan ito sa pagkahawa ng novel coronavirus.
Ayon kay de Blasio, simula Mayo 18, isasagawa ng New York ang pagsusuri sa anti-bodies sa 140,000 doktor at nars, at mga tauhan sa frontline.
Salin: Vera