Sa isang panayam kamakailan ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Dennis Carroll, namamahalang tauhan ng United States Agency for International Development sa pagpigil at pagkontrol sa pandemic at epidemiologist, na bunsod ng di-maagang pagbibigay ng pagpapahalaga at pagsasagawa ng malawakang pagsusuri at mabisang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, ang Amerika ay nagiging bansang may pinakamalubhang kalagayang epidemiko sa buong daigdig. Aniya, di maiiwasan ang responsibilidad ng pamahalaang Amerikano sa pagsasagawa ng maling hakbangin at di-epektibong pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Dagdag niya, unibersal na ipinalalagay ng sirkulong pansiyensiya na walang anumang ebidensiyang nagpapatunay na ang coronavirus ay nagmula sa aksidente ng laboratoryo. Imposible ring lumabas ang natural na virus mula sa laboratoryo, aniya pa.
Salin: Lito