Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Sa ilalim ng pagsubok ng pandemiya; kabuhayang Tsino, mabilis na nanunumbalik

(GMT+08:00) 2020-05-21 15:36:29       CRI

Malapit nang idaos ang dalawang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

Sa ilalim ng epekto ng COVID-19 sa ibayong dagat, presyur sa kalakalang pandaigdig, ligalig sa pamilihang pinansyal at iba pang elemento, pinag-uukulan ng lubos na pansin ng komunidad ng daigdig kung paano pigilin at kontrolin ang epidemiya kasabay ng pagsusulong ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.

Malinaw na batid ng Tsina na "walang katulad sa kasaysayan ang hamong kinakaharap ng pag-unlad ng kabuhayan," at "kailangang gumawa ng paghahanda para sa pagharap sa pagbabago ng kapaligirang panlabas sa mahabahang panahon."

Tinatayang sa gaganaping dalawang sesyon, ihaharap ng mga deputado at kagawad ang kani-kanilang kuru-kuro at mungkahi ukol sa pagpapasulong ng kabuhayan.

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Pierre Picquart, Propesor ng University of Paris VIII, na ang pagdaraos ng nasabing dalawang sesyon ay palatandaan ng pagbangon ng kabuhayang Tsino.

Aniya, dapat pag-ukulan ng pansin ng daigdig ang dalawang sesyon at kilos ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Jie Michael Guo, Propesor ng Durham University Business School, na ang mga desisyong gagawin sa nasabing dalawang sesyon ay magpapakita ng direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa hinaharap, at makakaapekto sa kayarian ng kabuhayang pandaigdig.

Ito aniya ang magiging susi sa bilis ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, pagkaraan ng epekto ng pandemiya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>