Nagpasiya ang pamahalaang Tsino na ilaan ang mas malaking puhunan sa mga bagong imprastruktura para mapasulong ang paggamit ng 5G network. Kasabay nito, ibubuhos din ang pondo sa mga pampublikong pasilidad at serbisyo bilang suporta sa urbanisasyon. Bukod dito, patuloy na kakatigan ang mga pangunahing proyekto ng transportasyon at patubig. Hihikayatin ng pamahalaang Tsino ang pagsali ng mga pribadong kompanya sa nabanggit na mga puhunan.
Ito ang winika ngayong araw ni Premyer Li Keqiang sa kanyang government work report para suriin ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan, o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Binuksan ang naturang sesyon ngayong umaga at tatagal hanggang Mayo 28.
Salin: Jade
Pulido: Mac