Balak ng pamahalaang Tsino na ilunsad ang pantatluhang taong programa para pag-ibayuhin ang reporma sa mga bahay-kalakal na ari ng estado. Layon nitong pabutihin ang market-oriented na operasyon at palakasin ang kakayahang kompetetibo ng mga ito. Kasabay nito, patuloy na kokompletuhin ang kapaligirang pangnegosyo para sa mga pribadong sektor para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng mga di-pampublikong kabuhayan.
Ito ang winika ngayong araw ni Premyer Li Keqiang sa kanyang government work report para suriin ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Binuksan ang naturang sesyon ngayong umaga at tatagal hanggang sa Mayo 28.
Salin: Jade
Pulido: Mac