Ayon sa pinakahuling real time data ng World Health Organization (WHO), hanggang alas-19:12 Central European Summer Time, Mayo 27, 2020, umabot na sa 5,491,678 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo. Kabilang dito, 349,190 ang kaso ng mga pumanaw.
Ayon naman sa datos ng Johns Hopkins University kahapon, hanggang alas-17:32 Eastern Standard Time ng Amerika, 100,047 katao sa Amerika ang pumanaw sa COVID-19. 1,695,776 naman ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso.
Sa kasalukuyan, mas mataas kaysa ibang bansa't rehiyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso at pumanaw sa COVID-19 sa Amerika.
Ayon sa isang komentaryo ng pahayagang "New York Times," kung bilang ng mga pumanaw ang pag-uusapan, ang COVID-19 pandemic ay posibleng magsilbing pinakagrabeng krisis sa kalusugang pampubliko ng Amerika, pagkaraan ng 1918 Influenza Pandemic.
Salin: Vera