Bilang tugon sa pahayag ng panig Amerikano na putulin ang relasyon sa World Health Organization (WHO), sinabi sa Beijing nitong Lunes, Hunyo 1, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang panahong nakalipas, may katumbas na parusa ang Amerika sa pagtalikod ng mga pandaidigang organisasyon at kasunduan. Aniya, unibersal itong di-kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Ani Zhao, tulad ng sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang WHO ay isang organisasyong pandaigdig na binubuo ng 194 soberanong bansa. Imposible aniya itong maglingkod sa iisang bansa lamang. Sa harap ng COVID-19 pandemic, ang anumang pag-atake at pagpigil sa WHO, ay pawang pagbalewala sa mga buhay, paghamon sa pagiging makatao, at pagsira sa pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa epidemiya, dagdag pa niya.
Salin: Lito