Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), hanggang 13:55 Central European Time (CET), Hunyo 1, 2020, umabot sa 6,057,853 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at 371,166 ang pumanaw.
Ayon naman sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 7:40 Beijing Time, Hunyo 2, 6,246,042 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa daigdig, at 374,452 ang pumanaw. Kabilang dito, 1,808,291 ang naitalang kumpirmadong kaso sa Amerika, at 105,003 ang namatay.
Ipinakikita ng pinakahuling datos ng WHO na inilabas noong Hunyo 1, pinakamarami sa daigdig ang bilang ng mga kumpirmadong kaso at mga pumanaw sa COVID-19 sa Amerika.
Kaugnay ng pagpapatalastas kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ng pagkalas ng ugnayan sa WHO, sinabi nitong Lunes ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na umaasa ang kanyang organisasyon na patuloy na makikipagkooperasyon sa Amerika.
Salin: Vera