Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: madalas na pambubugbog sa mga mamamahayag, iyan ba ang kalayaan sa pagsasalita na ibinabandera ng mga politikong Amerikano?

(GMT+08:00) 2020-06-04 16:30:27       CRI

Miyerkules, Hunyo 3, 2020 - Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, na-i-rekord ng mga media sa kanilang mga kamera ang maraming insidente ng pang-aabuso sa kanila ng mga pulis.

Binaril, binugbog, sinipa, winisikan ng pepper spray, o inaresto, ang mga mamamahayag ng Amerika, Australia, Rusya at iba pang bansa, at marami sa mga ito ay na-i-rekord sa kamera.

Bilang siyang tanging super power sa daigdig na laging nagbabandera sa umano'y kalayaan sa pagsasalita, ang hayagang pang-aabuso ng pamahalaang Amerikano sa mga mamamahayag ay nakatawag ng galit ng buong mundo.

Sinabi ni Dan Shelley, Executive Director ng Radio Television Digital News Association ng Amerika, na ito ay hadlang hindi lamang para sa mga mamamahayag, kundi sa mga mamamayan din sa kanilang pagsaksi at pagrekord sa mga nangyayari.

Diin ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pagsalakay sa mga mamamahayag ay may katugong epekto sa buong lipunan.

Ipinahayag ng departamentong diplomatiko ng Rusya na di katanggap-tanggap ang paglapastangan sa lehitimong karapatan ng mga mamamahayag.

Hiniling naman ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australia ang imbestigasyon sa kaukulang kalagayan ng ganitong insidente.

Sa katunayan, sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, nagiging madalas ang panggigipit sa media. Minamarkahan ng lider Amerikano ang mga media na bumatikos o naghaharap ng duda sa kanya bilang tagapagkalat ng "pekeng balita."

Sa mensahe sa Twitter, sinabi ni Pangulong Donald Trump na nilagdaan na niya ang isang executive order para limitahan ang social media.

Ang ganitong kilos ng pagsikil sa media sa pamamagitan ng lantarang paggamit ng kapangyarihang administratibo ay malawakang binatikos ng iba't ibang sirkulo.

Samantala, ipinahayag kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na huwag makialam ang Tsina sa kalayaan ng pagkokober ng mga Amerikanong mamamahayag sa Hong Kong.

Kaugnay nito, ini-post ng isang netizen ang mga litrato kung saan nakikitang sa panahon ng kaguluhan dahil sa pagsusog sa ordinansang may kaugnayan sa repatriation ng mga nakatakas na akusado noong isang taon, halos sandaang mamamahayag ang nagtipun-tipon sa harap ng linyang pandepensa ng mga pulis ng Hong Kong; pero sa linyang pandepensa ng mga Amerikanong pulis sa mga demonstrasyong nagaganap ngayon sa Amerika, walang anumang mamamahayag ang may lakas-loob na lumapit.

Maliwanag na nakikita sa nasabing mga litrato ang double standard.

Anu-ano pa kaya ang mga kasinungalingan ikinakalat ng mga politikong nagsusulong ng umano'y kalayaan sa pagsasalita na tulad ni Pompeo?

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>