Simula unang araw ng darating na Disyembre ng taong ito, paiiralin ang Batas sa Pangangasiwa sa Bakuna ng Tsina. Ito ang unang lehislasyon ng Tsina sa aspektong ito, at nakalakip dito ang pinakamahigpit na pagsusuperbisa at pangangasiwa sa bakuna.
Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Nobyembre 2019, ni Wu Liya, mataas na opisyal ng National Medical Products Administration ng Tsina, na itinakda ng batas ang komprehensibo at sistematikong regulasyon sa lahat ng mga sektor ng paggawa, pag-iimbak, paghahatid, at paggamit ng bakuna. Pagkaraang pairalin ang batas, isasagawa rin ang mga hakbanging administratibo at kriminal para sa pagpapatupad ng batas, dagdag niya.
Salin: Liu Kai