|
||||||||
|
||
Pinangalanan nitong Biyernes, Hunyo 5, 2020, ang isang lansangan sa paligid ng White House sa Washington D.C., Amerika bilang "Black Lives Matter."
Kasabay nito, iniutos ni Mayor Muriel Bowser ng Washington D.C. na isulat ang "Black Lives Matter" sa lansangang ito, sa pamamagitan ng dilaw at matingkad na pintura, bilang suporta sa kilusan sa karapatang pantao ng mga Aprikano-Amerikano.
Kaugnay nito, sunud-sunod na nagprotesta nitong mga nakalipas na araw ang mga mamamayan sa iba't ibang lugar ng buong Amerika bilang pagkondena sa karahasang ginagawa ng mga pulis at di-pantay na tratong panlahi sa bansa.
Patuloy na nabubunyag ang di-makatarungan at marahas na pakikitungo ng mga pulis sa mga African-American, at dumarami rin ang mga datos at ebidensya ng karahasan laban sa naturang mga mamamayan.
Ayon sa ulat ng The New York Times, di-kukulangin sa 20% ng populasyon sa Minneapolis ay mga African-American, at 60% ng karahasan ng panig pulisya sa lokalidad ay nakatuon sa kanila.
Sinabi naman ng ulat ng Vox, website ng mga balita at komentaryo ng Amerika, hindi pa bumababa ang maigting na tensyon sa pagitan ng mga pulis at African-American community sa Minneapolis.
Mas madaling pinaparatangan ng mga pulis ang mga Aprikano-Amerikano, kumpara sa mga puti.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |