Mula Mayo 15 hanggang 24, 2019, isasagawa ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ang opisyal na pagdalaw sa Norway, Austria, at Hungary. Matapos ang unang pagbiyahe nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Europa sa kasalukuyang taon, ito ang muling pagbisita ng isa pang pangunahing lider ng Tsina sa Europa.
Ipinahayag nitong Martes, Mayo 14, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay lubusang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng Tsina sa relasyong Sino-Europeo. Aniya, dapat pag-ibayuhin ng Tsina at Europa ang pagpapalakas ng pagkokoordinahan at kooperasyon para magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Li Feng