Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Mike Pompeo, puspusang pinalalaganap ang "diplomasya ng panunuba"

(GMT+08:00) 2020-06-11 15:41:07       CRI

Pinuntiryang muli kamakilan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang Tsina, at sinabing isinagawa nito ang pekeng propaganda, gamit ang pagpatay sa African-American na si George Floyd.

Ang pagpatay kay Floyd ay nagbubunyag sa sistematikong pagtatanging panlahi sa lipunan ng Amerika, at nakatawag ng galit ng buong mundo. Sunud-sunod na inilabas ng mga personaheng kinabibilangan ng mga mataas na opisyal ng United Nations (UN) at apat na dating pangulo ng Amerika ang mga pahayag bilang kondemnasyon sa pangyayaring ito. Ginaganap din sa maraming lugar ng daigdig ang protesta sa trahedya ng rasismo ng Amerika.

Ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao, at naging malinaw kung sino ang tama at sino ang mali, kaya di-kailangan ang paglulunsad ng anumang propaganda.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 2 milyon ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at magulung-magulo ang loob ng bansa dahil sa walang tigil na demonstrasyong humihingi na katarungan sa pagpatay kay Floyd.

Pero nagbubulag-bulagan si Pompeo sa kaguluhan sa loob ng bansa, at sa halip, patuloy niyang ibinabaling ang sisi sa ibang panig.

Higit sa lahat, gusto niyang gawing oportunidad ang pagpatay kay Floyd para batikusin at siraan ang Tsina.

Ito ay ginagawa ni Pompeo para mawala ang galit ng mga mamamayang Amerikano sa mga politikong kaalyado niya.

Sa mula't mula pa'y iginigiit ng Tsina ang simulaing ng hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at di-intersado ang Tsina sa pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Amerika.

Ang pagbatikos at galit ng lipunang Tsino sa trahedyang dulot ng pagtatanging panlahi ng Amerika ay nakabatay sa paniniwala ng sangkatauhan.

Ang katotohanan ang nagpapatunay, na ang pagluluto ng pekeng impormasyon at panlilinlang ay katangian ng "diplomasya ng panunuba" na pinapalaganap ng mga politikong tulad ni Pompeo.

Walang kakayahan ang ganitong mga politiko sa pangangasiwa sa mga suliraning panloob, pero bihasa sila sa pagpasa ng pananagutan sa ibang panig at pagluluto ng mga kasinungalingan, kontradiksyon at krisis.

Sapul nang manungkulan bilang kalihim ng estado ng Amerika, puro kasinungalingan ang ginagawa ni Pompeo.

Ang reputasyon at propesyonalidad ng diplomasya ng Amerika ay ganap na nawasak dahil sa kanya.

Ang "diplomasya ng panunuba" na puspusang pinapalaganap ni Pompeo ay tiyak na magsisilbing pinaka-kahiya-hiyang kabanata sa kasaysayan ng diplomasya ng Estado Unidos.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>