|
||||||||
|
||
Si Xi Zhongxun, ama ni Xi Jinping [Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa] ay kilalang proletarian revolutionary ng Tsina.
Liban sa rebolusyonaryong usapin, lubos niyang ikinasiya ang pagiging ama at paglingap sa kanyang pamilya.
Ano kaya ang mga naituro ni Xi Zhongxun sa kanyang anak?
Una — kasipagan sa gawain at praktikal na atityud
Sapul nang dumating sa probinsyang Guangdong si Xi Zhongxun noong taong 1978, masipag siyang nagpunyagi sa pagtatrabaho.
Upang ibayo pang malaman ang mga kalagayan doon, noong tag-init ng 1978, tinungo niya ang 23 bayan ng probinsya at di-inalintana ang labis na temperatura.
Namana ni Xi Jinping ang kalidad ng kasipagan sa gawain at praktikal na atityud ng kanyang ama.
Noong siya ay nakatalaga sa Zhengding, tinungo ni Xi Jinping ang lahat ng nayon doon; sa Ningde, nilakbay-suri niya ang siyam na bayan sa tatlong buwan, matapos ang kanyang pagdating; sa Zhejiang, ginamit niya ang isang taon para puntahan ang lahat ng 90 bayan, lunsod, at distrito ng probinsya; sa Shanghai, ginugol niya ang pitong buwan para bisitahin ang 19 na bayan ng buong lunsod.
Malinaw na nakikita ng mga mamamayan, ang napakasipag na pagpupunyagi ni Xi Jinping sa mga gawaing pampubliko.
Ikalawa — katipiran at kasimplehan
Minsa'y ikinuwento ni Qi Xin, ina ni Xi Jinping, na "noong bata pa ang pangulong Tsino, isinuot niya ang mga lumang damit ng kanyang ate."
"Sa impluwensiya ni Xi Zhongxun, ang pagtitipid at pagiging simple ay tradisyon ng aming pamilya," ani Qi.
Palagiang pinahahalagahan ni Xi Jinping ang kaugalian ng marapat na pagtitipid.
Maraming beses niyang itinaguyod ang pagtitipid at pagtutol sa labis na pag-a-aksaya.
Tinukoy niya na ang malaking pagpupunyagi at pagtitipid ay hindi lamang mahalagang garantiya sa pag-unlad, kundi mahalaga rin itong garantiya sa muling pagtatamo ng tagumpay.
Ikatlo — paglilingkod para sa mga mamamayan
Noong 2001, inihandog ng mga miyembro ng pamilya ang bangketeng pangkaarawan para kay Xi Zhongxun.
Ngunit, dahil sa napakaraming gawaing pampubliko, hindi nakarating sa bangkete si Xi Jinping, na noon ay Gobernador ng probinsyang Fujian.
Ngunit lubos na naunawaan ni Xi Zhongxun ang kanyang anak at sinabi niya sa ibang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan na "ang taos-pusong paglilingkod sa mga mamamayan ang pinakamalaking respeto na maaaring ibigay ng isang anak sa kanyang mga magulang."
Naka-ukit sa puso ni Xi Jinping ang damdamin ng puspusang paglilingkod sa mga mamamayan.
Kung babalik-tanawin ang karanasan ng paglalakbay-suri ni Xi nitong ilang taong nakalipas, napuntahan na niya ang 14 na mahirap na rehiyon ng bansa para malalim na pag-aralan ang tunay na kalagayan ng napakaraming mahirap na pamilya.
Sa harap ng mga mamamayan sa nakakababang yunit, lagi niyang sinasabi: "ako ay ang inyong tagapaglingkod."
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |