|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Hunyo 23, 2020 ay International Olympic Day.
Sa araw na ito, magkakasamang inilunsad ng International Olympic Committee (IOC), World Health Organization (WHO) at United Nations (UN) ang isang kooperatibong planong naglalayong bigyang-enkorahe ang mga indibiduwal at komunidad sa iba't ibang sulok ng mundo na umaksyon upang mapanatiling malusog ang lahat ng mga tao.
Sa susunod na ilang linggo, ipapadala ng mga atleta ng Olimpiyada ang mahahalagang impormasyon ng kalusugang pampubliko, pasisiglahin ang mga tao na isagawa o ipagpatuloy ang mga aksyong magpipigil sa pandemiya ng COVID-19, at ipagkakaloob ang yaman para sa pagpapasulong sa kalusugang pangkatawan at pangkaisipan.
Sa ilalim ng temang Sama-samang Kalusugan, bibigyang pokus ng mga partner at atleta ang kinakailangang kolektibong pagsisikap at kooperasyong pandaigdig para sa pagpigil sa pagkalat ng novel coronavirus.
Ipinahayag ni Thomas Bach, Presidente ng IOC, na ang COVID-19 ay nagdulot ng kawalang-katatagan, takot at hamon sa daigdig.
Aniya, ang kooperasyon ng IOC, WHO at UN ay bagong hakbang ng kooperasyon ng mga organong pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |