|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskong idinaos sa Beijing nitong Miyerkules, Hunyo 10, 2020, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mata ng ilang Amerikano, marahil may dalawang uri ng tao sa daigdig: isa ay sumusunod sa Amerika at umaatake sa Tsina; at ang isa pa ay hinahamon ng Tsina. Diin ni Hua, ito ay nakakatawang palagay.
Pinuna kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Ameirka ang HSBC UK sa pagsuporta sa "batas ng pambansang seguridad sa Hong Kong" ng Tsina. Tinawag niya ito bilang "pagyukod." Sinabi pa ni Pompeo, na walang anumang pakinabang na matatamo ang HSBC mula rito.
Bilang sagot, ipinahayag ni Hua, na ang pagtatatag at pagkumpleto ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pangangalaga ng pambansang seguridad sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at pangangalaga sa pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng lipunan ng Hong Kong, kundi nakakatulong din sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga organo at tauhan ng iba't-ibang bansa sa lugar na ito.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |