Sinabi nitong Huwebes, Hulyo 16, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang bansang may pinakamalaking nuclear arsenal sa daigdig, dapat totoong isabalikat ng Amerika ang espesyal at primaryong responsibilidad ng nuclear disarmament, at gawin ang aktuwal na ambag para sa pagpapasulong sa pandaigdigang estratehikong seguridad.
Ayon sa ulat, naganap kamakailan ang aksidente ng nuclear leakage sa Los Alamos National Laboratory ng Amerika, at nalagay sa panganib ang mga tauhan doon sa pagkalason sa plutonium. Hinahanap ng Amerika ang mabilis na pagpapataas ng kakayahan ng nasabing laboratoryo sa pagpoprodyus ng sandatang nuklear.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na ang napakalaking pamumuhunan ng Amerika sa larangan ng sandatang nuklear ay hindi lamang nakakasira sa estatehikong katatagan ng mundo, kundi nagbubunsod din ng panganib sa seguridad na nuklear. May pagkabalisa rin dito ang mga dalubhasa ng Union of Concerned Scientists, dagdag ni Hua.
Salin: Vera