Kaugnay ng ulat ng American media na nagsasabing isinasaalang-alang ng panig Amerikano ang pagpapataw ng limitasyon sa pagpasok sa Amerika ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at kani-kanilang mga kamag-anakan, sinabi nitong Huwebes, Hulyo 16, 2020 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung totoo ang nasabing ulat, lubhang nakakalungkot ang ganitong desisyon ng panig Amerikano.
Aniya, bilang pinakamalakas na bansa sa daigdig, ano na lamang ang matitira sa Amerika? Anong impresyon ang gusto nitong iwanan sa daigdig?
Salin: Vera