|
||||||||
|
||
Inilakip kamakailan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang 11 kompanyang Tsino sa entity list. Ang nasabing 11 kompanya ay sangkot di-umano sa paglapastangan sa karapatang pantao sa Xinjiang.
Kaugnay nito, sinabi nitong Martes, Hulyo 21, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa katwiran ng umano'y karapatang pantao, nagmalabis ang panig Amerikano sa pagpataw ng restriksyon sa pagluluwas, at inilakip sa entity list ang mga kaukulang kompanyang Tsino. Ito aniya ay hindi lamang lumabag sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, kundi nakialam din sa mga suliraning panloob ng Tsina, at nakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino. Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino.
Saad ni Wang, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na iwasto ang kamalian, at baguhin ang kaukulang desisyon. Patuloy na isasagawa aniya ng panig Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin, para pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |