|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati kamakailan sa Richard Nixon Presidential Library sa Yorba Linda, California, walang habas na siniraan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerikano, ang Tsina na "ginigipit" daw ang mga kompanyang Amerikano. Aniya, "sinusuyo ng naghaharing partido ng Tsina" ang mga Amerikanong bahay-kalakal na may negosyo sa Tsina na nagbubunsod ng "pag-agaw ng Tsina sa Amerika."
Kung pag-uusapan ang naturang halimbawang ginamit ni Pompeo para dungusin ang Tsina, matutuklasang talagang baligho at nakakatawa ang kanyang mga pananalita.
Sinipi ni Pompeo ang naunang talumpati ni Robert C. O'Brien, National Security Advisor ng Amerika, na nagsasabing tinanggal ng Marriott International, American Airlines, Delta Air Lines, Inc., at United Airlines ang nilalamang may kaugnayan sa Taiwan sa kanilang website para maiwasan ang galit ng Tsina.
Ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Ang paglalakip ng nasabing mga kompanya ng Taiwan sa parehong posisyon ng Tsina, ay malinaw na lumalabag sa prinsipyong "Isang Tsina."
Bakit ninanais ng mga kompanyang Amerikano na magnegosyo sa Tsina? Dahil nitong mahigit 40 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, ang pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result ay palagiang esensya ng bilateral na pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Nitong ilang taong nakalipas, umabot sa mga 700 bilyong dolyares ang taunang kita ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Amerikano, at lumampas naman sa 50 bilyong dolyares ang tubo. Samantala, pumasok sa napakaraming tahanan ang mura at de-kalidad na panindang Tsino, bagay na nakakapagdami ng benepisyo ng mga mamimili.
Ayon sa datos ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, noong nagdaang Abril ng kasalukuyang taon, umabot sa 39.7 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Amerika. Ito ay mas malaki ng 43% kumpara sa nagdaang Marso. Ang Tsina ay muling nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Amerika.
Tulad ng pagtukoy ng mga tagapag-analisa, bagama't paulit-ulit na sinusulsulan ng ilang politikong Amerikano ang "pagkalas" sa Tsina, nagiging mas malalim ang pag-asa ng Amerika sa pamilihan at produktong Tsino.
Mula sa pagpuwersa ng mga Amerikanong kompanya sa pag-alis ng Tsina, hanggang pagluto ng kasinungalingan ng "pagpuwersa at pag-agaw" ng Tsina, kasalukuyang ginagamit ng ilang politikong Amerikano na tulad ni Pompeo, ang lahat ng porma para sapilitang mapasulong ang paghihiwalay ng kabuhayang Sino-Amerikano.
Ang kilos na ito ay hindi lamang lumalabag sa alituntuning pangkabhayan at mithiin ng mga kompanya, kundi tumataliwas sa tunguhin ng siglo. Kaya tiyak itong pinabubulaanan ng katunayan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |