Sa virtual meeting na idinaos nitong Biyernes, Hulyo 24, 2020 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Heiko Josef Maas, Ministrong Panlabas ng Alemanya, inilahad ng una ang kasalukuyang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang kinakaharap na kahirapan ng relasyong Sino-Amerikano ay ganap na ibinunsod ng panig Amerikano. Aniya, ginagamit ng panig Amerikano ang lahat ng porma para lubusang pigilan ang proseso ng pag-unlad ng Tsina.
Ani Wang, umaasa pa rin ang Tsina na maisasakatuparan ang kawalan ng labanan at konprontasyon, paggagalangan sa isa't-isa, at pagtutulungan para sa win-win result. Ngunit tiyak at buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya ng bansa at dignidad ng nasyon, matatag na pangangalagaan ang sariling lehitimong karapatan ng pag-unlad, at buong tatag na pangangalagaan ang pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, dagdag pa niya.
Salin: Lito