|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na sa loob ng darating na ilang araw, isasagawa ng pamahalaan ni Trump ang aksyon sa Chinese software companies na tulad ng TikTok at WeChat.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Lunes, Agosto 3, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang ilang politikong Amerikano na itigil ang pagsasapulitika ng isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at itigil ang pag-abuso sa konsepto ng pambansang seguridad sa ngalan ng patakaran ng diskriminasyon at pagtatangi.
Dagdag pa niya, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na mataimtim na pakinggan ang tinig ng komunidad ng daigdig para magkaloob ng bukas, pantay, makatarungan, at di-nagtatanging kapaligirang pangnegosyo sa mga dayuhang mamumuhunan sa Amerika.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |