Sa pahayag na inilabas kamakailan ng Ministring Panlabas ng Rusya tungkol sa anibersaryo ng pagsasawalang-bisa ng Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty, sinabi nito na ang pagtalikod ng panig Amerikano sa kasunduang ito ay "pinakamalubhang kamalian." Anito pa, ang pagdedeploy ng panig Amerikano ng ground-based short at intermediate range missiles sa iba't-ibang sulok ng daigdig ay makakasira sa katatagang panrehiyon at pandaigdig, at magbubunsod ng bagong round ng mapanganib na arms race.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 4, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagdedeploy ng panig Amerikano ng land-based medium-range missiles sa Asya-Pasipiko at Europa. Aniya, naibunyag ng kaukulang pahayag ng Rusya ang tunay na tangka ng Amerika sa pagtalikod sa INF Treaty.
Diin pa ni Wang, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na totohanang tugunan ang unibersal na pagkabahala ng komunidad ng daigdig at gumawa ng mas maraming bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Lito