|
||||||||
|
||
Sa Liuzhi Special District ng Liupanshui City, Lalawigang Guizhou ng Tsina, kilalang kilala ang isang espesyal na uri ng baboy. Ang isang dating white collar worker na si Wang Jinto ay unang nag-alaga ng ganitong uri ng baboy.
Noong 2016, umalis si Wang sa kanyang pamumuhay sa lunsod pabalik sa nayon, upang simulan ang sariling negosyo. Kasabay ng pagpapatupad ng sariling pangarap, pinamumunuan niya ang mga taga-nayon para makaahon mula sa kahirapan.
Si Wang Jintao
Tubong Liupanshui si Wang Jintao. Pagkaraang makuha ang master's degree, nagtrabaho siya sa isang kompanya ng telekomunikasyon sa Jiangmen City, Lalawigang Guangdong. Noong 2016, kahit umabot sa 600,000 ang kanyang taunang kita, nagbitiw siya sa trabaho at bumalik sa Liuzhi Special District, upang simulan ang sariling negosyo.
Nakontrata niya ang isang piggery na mahigit 100 hektarya ang lawak, at nagsimulang mag-alaga ng espesyal na uri ng hybrid pigs
Salamat sa suporta ng patakaran ng pamahalaang lokal, sa loob ng ilang taon, ang piggery ni Wang Jintao ay nagsilbing isa sa mga pinakamalaking babuyan sa Guizhou. Sa simula ng pagtatatag ng babuyan, 20 baboy lamang ang inalagaan ni Wang, pero hanggang noong katapusan ng 2019, umabot na sa 10,000 ang bilang ng mga baboy sa piggery.
Nakipagkooperasyon din si Wang Jintao sa pamahalaang lokal, upang tulungan ang mga taga-nayon sa paligid ng piggery na makaahon sa kahirapan. Gamit ang pondong piskal ng pamahalaan sa pagbibigay-tulong sa mahihirap, itinatag sa mga lupa na ari ng mahihirap ang maliliit na piggery, at pinaupahan kay Wang ang mga piggery, sa gayo'y may karagdagang kita ang mahihirap. Sa katapusan ng bawat taon, nagbigay rin si Wang ng dividends sa mga taga-nayon, batay sa magkakaibang laki ng lupang ginamit niya.
Bukod dito, maaaring magtrabaho sa piggery ang mahihirap, para magkaroon ng malaking kita.
Pagkaraang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sa halip ng pagbabawas ng mga manggagawa sa piggery, tinanggap niya ang 86 na bagong kawani na kinabibilangan ng 17 mahihirap.
Noong unang hati ng taong ito, 27,000 baboy sa piggery ni Wang Jintao ang ibinenta, at tinayang aabot sa humigit-kumulang 7.5 milyong yuan RMB ang dividends sa mga mahirap sa buong taon.
Saad ni Wang, pangarap niyang itayo ang sariling negosyo, habang pinapabuti ang pagpapaunlad ng lupang-tinubuan niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |