|
||||||||
|
||
Bagama't walang tigil na sinusulsulan ng ilang politikong Amerikano ang mga kompanya nito na umalis sa Tsina, ayon sa isang ulat na isinapubliko kamakailan ng US-China Business Council, ipinahayag ng 83% kinapanayam na kompanyang Amerikano na itinuturing nila ang Tsina bilang sa isa sa limang pinakamahalagang merkado sa kanilang estratehiyang pandaigdig. Ipinahayag naman ng 75% kinapanayam na kompanyang Amerikano na sa loob ng darating na isang taon, hindi magbabago o magdaragdag ang pamumuhunan ng kanilang negosyo sa Tsina.
Tulad ng sinabi ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina sa isang panayam ng China Media Group (CMG) na "tiyak na hindi itatakwil ng mga matalinong dayuhang mangangalakal ang pamilihang Tsino."
Napatunayan ng isang serye ng datos ang pleksibilidad ng kabuhayang Tsino at pangakit ng merkadong Tsino. Noong isang buwan, aktuwal na nagamit ng buong Tsina ang 63.47 bilyong yuan RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 15.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Noong unang pitong buwan ng kasalukuyang taon, aktuwal na nagamit ng Tsina ang mahigit 53.56 bilyong yuan na pondong dayuhan na lumaki ng 0.5% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Lalong lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng grabeng pagkakaapekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa transnasyonal na pamumuhunan sa buong daigdig, ang pag-aalis ng mga pondong dayuhan mula sa Tsina ay hindi magkatugma sa alituntuning komersyal. Bagkus pagdaragdag ng pamumuhunan sa Tsina ay siyang matalinong pagpili.
Una, sustenable ang patakaran ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas, partikular na isinusulong ang pagbubukas sa mga industriyang pangserbisyo na gaya ng pinansya. Kaya, magiging mas marami ang pagkakataon ng pamumuhunan sa merkadong Tsino; Ikalawa, walang humpay na bumubuti ngayon ang kapaligirang pangnegosyo sa Tsina.
Bukod dito, iniharap kamakailan ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang 15 polisya at hakbangin para mapatatag ang kalakalang panlabas. Kabilang dito ay ipinangakong magkaloob ng suportang pinansiyal sa mga mahahalagang bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan.
Dahil dito, magiging mas malakas ang komprehensibong bentaheng kompetitibo ng Tsina sa pag-aakit ng pondong dayuhan, at mas malakas din ang kompiyansa ng mga transnasyonal na kompanya sa pamumuhunan sa Tsina. Mananatili pa ring mainit na destinasyon ang Tsina ng mga dayuhang pamumuhunan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |