|
||||||||
|
||
Ayon sa "Ulat ng Internasyonalisasyon ng RMB sa 2020" na ipinalabas kamakailan ng Bangko Sentral ng Tsina, mabilis na lumaki ang transnasyonal na paggamit ng RMB noong 2019.
Ayon sa serye ng datos na isinapubliko ng Bangko Sentral ng Tsina, noong isang taon, umabot sa 19.67 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng transnasyonal na pagtanggap at pagbayad ng salaping Tsino, bagay na naging bagong rekord sa kasaysayan.
Ito ay mas malaki ng 24.1% kumpara sa taong 2018.
Ayon sa pinakahuling estadsitika, nasa ika-5 puwesto ang RMB sa mga pangunahing ginagamit na salapi sa daigdig.
Dagdag pa riyan, sa kasalukuyan, nailakip na ng mahigit 70 bangko sentral at awtoridad ng salapi sa buong daidig ang RMB sa foreign exchange reserve.
Bunga ng sustenableng pagsulong ng pagbubukas ng pinansya ng Tsina, unti-unti nang tinatanggap ang RMB assets sa daigdig, at dahil sa nakikitang katapatan ng Tsina sa walang humpay na pagpapasulong ng pagbubukas at unti-unting pagkakalakip ng Chinese bonds at shares sa international main index, lumalaki ang ponding inilalagak ng mga mamumuhunang pandaigdig sa RMB asset.
Sanhi ng matatag na pagsusulong ng internasyonalisasyon ng RMB, napapanatili ang kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa matatag na pagtakbo ng kabuhayang Tsino.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |