Ayon sa "Ulat ng Internasyonalisasyon ng RMB sa 2020" na isinapubliko kamakailan ng Bangko Sentral ng Tsina, sa pagpapasulong ng pangangailangan ng merkado, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng paggamit ng RMB sa mga kapitbansa at mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" ang positibong progreso.
Noong isang taon, umabot sa halos 3.6 na trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng transnasyonal RMB settlement sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito. Ito ay mas malaki ng 18.5% kumpara sa taong 2018. Lumampas naman sa 2.73 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng transnasyonal RMB settlement sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" na mas malaki ng 32% kumpara sa taong 2018.
Kasalukuyang parami nang paraming kapitbansa ng Tsina at bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" ang namumuhunan sa pamilihang pinansyal ng Tsina para makuha ang mataas na benepisyong pampamumuhunan at makinabang sa paglaki ng kabuhayang Tsino.
Bukod dito, nailakip na ng mga bangko sentral ng Timog Korea, Singapore, Thailand, Pilipinas, Indonesia at iba pang bansa, ang RMB bilang kanilang foreign exchange reserve.
Salin: Lito