Idinaraos sa Ningbo, Zhejiang, ang unang China-Central and Eastern European Countries Expo na may temang "pagpapalalim ng pagbubukas at kooperasyon, paghahawak-kamay para sa mutuwal na kapakinabangan at win-win situation." Sa main forum na idinaos Mayo 9, 2019, ipinahayag ng mga kinatawan mula sa gitna at silangang Europa na kinakatigan nila ang pagsasakatuparan ng Belt and Road Initiative, at inaasahan ang kooperasyon ng Tsina sa e-commerce at iba pang larangan.
Ayon sa datos, noong 2018, umabot sa 90 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa ng gitna at silangang Europa, at ito ay lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan. Noong Abril ng taong ito, lumahok ang Greece sa mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at gitna at silangang Europa, kasabay nito, ang kooperasyon ay naging "17+1." Ang pag-aangkat ng Tsina mula sa 17 bansa ay lumaki nang halos 25% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Sa ngayon, patuloy ang paglaki ng pamumuhunan sa isa't isa, may progreso ang mga proyekto ng konektibidad ng mga imprastruktura, at mas mahigpit ang pagpapalitan ng kultura ng dalawang panig.
Salin:Lele