|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Sabado, Agosto 22, 2020 ng ByteDance, parent company ng TikTok, internet company na may punong himpilan sa Los Angelas, na maghaharap ito ng sakdal laban sa kautusang administratibo ng pamahalaang Amerikano.
Layon nitong pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan.
Ayon sa pahayag ng TikTok nang araw ring iyon, nitong nakalipas na halos isang taon, hinanap ng kompanyang ito ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang Amerikano, batay sa matapat na atityud.
Pero nagbulag-bulagan ang pamahalaan ng Amerika sa katotohanan, at hindi sumunod sa lehitimong prosedyur na pambatas, at higit sa lahat, sapilitan itong nakisangkot sa talastasan ng mga kompanyang komersyal.
Upang maigarantiya ang pangangasiwa alinsunod sa batas, at karapatan ng kompanya at mga user nito, pangangalagaan ng TikTok ang sariling karapatan at kapakanan, sa pamamagitan ng pagsasakdal, anang pahayag.
Kinumpirma ng ByteDance na ihaharap sa Agosto 24, local time, ang sakdal sa kautusang administratibo na nilagdaan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika noong Agosto 6.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |